|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa iba't ibang sektor ng bansa na magkakasamang magsikap para ibayo pang mapasulong ang reporma, pagbubukas sa labas, inobasyon at sustenablang pag-unlad upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Ito ang ipinahayag Marso 6, 2018 ni Premyer Li sa kanyang paglahok sa diskusyon ng mga deputado mula sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, sa idinaraos na sesyong plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Si Premyer Li Keqiang habang nakikilahok sa diskusyon, Marso 6, 2018. (Xinhua)
Sinabi pa ni Li na ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Idinagdag pa niyang sa okasyong ito, hindi lamang dapat ipatupad ng mga pamahalaang lokal ang mga pambansang patakarang pang-reporma, kailangan din nilang magkaroon ng sariling hakbangin para makalikha ng mainam na kapaligiran, para sa kapakinabangan ng mga bahay-kalakal at mga mamamayan.
Hiniling din ng premyer Tsino sa mga pamahalaang lokal na magtipid sa mga isyung administratibo at magdagdag ng laang-gugulin sa mga programang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, lalo na sa pagpapawi ng karalitaan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |