Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang alisin ang mga hadlang na institusyonal sa pamamagitan ng reporma

(GMT+08:00) 2018-01-24 16:14:28       CRI

Beijing, Tsina--Sa taong ito, ibayo pang palalalimin ng Tsina ang reporma para alisin ang mga hadlang na institusyonal.

Ito ang nasasaad sa pahayag ng Ikalawang Pulong ng Leading Group ng Pagpapalalim ng Panlahat na Reporma ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ipinalabas Martes, Enero 23, 2018. Pinanguluhan ang pulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Mas mabuting pakikitungo sa mga may-kahusayang manggagawa

Pinagtibay ng nasabing pulong ang patnubay, kung saan nanawagan sa pamahalaan, bahay-kalakal at lipunan na pabutihin ang pakikitungo sa mga may-kahusayang manggagawa para mapasigla ang kanilang proaktibidad at pagkamalikhain.

Sinang-ayunan din sa pulong na itataas ang suweldo ng nasabing mga manggagawa.

Mekanismo ng paglutas ng pagkakaibang pangkalakalan hinggil sa Belt and Road Initiative

Inaprubahan din sa pulong ang patnubay hinggil sa pagtatatag ng mekanismo ng paglutas ng pagkakaibang pangkalakalan ng iba't ibang bansa sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative, batay sa mga batas. Layon nitong lumikha ng matatag, pantay-pantay at transparent na kapaligirang pangnegosyo.

Pagpapahigpit ng pagsusuri sa paglilipat ng IPR

Pahihigpitin ng Tsina ang pagsusuri sa paglilipat ng Intellectual Property Rights (IPR) sa labas ng bansa, lalo na iyong mga may kinalaman sa pambansang seguridad, ayon sa regulasyon na pinagtibay sa nasabing pulong.

Pagtiyak ng kaligtasan ng lugar na pinatatrabahuhan

Hiniling din ng Tsina sa mga opisyal ng pamahalaang lokal na isabalikat ang pangunahing responsibilidad para matiyak ang kaligtasan ng mga lugar na pinatatrabahuhan, alinsunod sa alituntuning pinagtibay sa pulong. Pananagutan at paparusahan ang nasabing mga opisyales kung sakaling may insidente dito.

Pinagtibay rin ng pulong ang mga regulasyon hinggil sa reporma sa mga Confucius Institute, saligang pension scheme, pangangasiwa sa mahahalagang datos na siyentipiko, suplay ng generic drug at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>