|
||||||||
|
||
Johannesburg, Timog Aprika—Sa sidelines ng Ika-10 BRICS Summit, nagtagpo Huwebes, Hulyo 26 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Mauricio Macri ng Argentina. Kapuwa ipinahayag ng dalawang pangulo ang pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan at ang suporta sa multilateral na sistemang pangkalakalan.
Sumang-ayon din ang dalawang lider na pasulungin ang mga pragmatikong pagtutulungan sa larangan ng kabuhaya't kalakalan, pagmimina, pinansya, turismo, abiyasyon, at iba pa.
Ipinahayag din ni Xi ang pagkatig ng Tsina sa Argentina bilang punong-abala ng G20 Summit na gaganapin ngayong taon.
Ipinahayag naman ni Macri ang pasasalamat sa tulong ng Tsina para maibsan ang kahirapang pangkabuhayan at mapatatag ang pamilihang pinansyal ng bansa.
Idinaraos mula nitong Miyerkules hanggang ngayong araw ang Ika-10 BRICS Summit na may temang "BRICS sa Aprika: Kolaborasyon para sa Inklusibong Pag-unlad at Ipinagbabahaging Kasaganaan sa Ikaapat na Rebolusyong Industriyal."
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |