Nagtagpo Hulyo 26, 2018, sa Johannesburg, Timog Aprika sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.
Binigyan-diin ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, maalwan ang pag-unlad ng estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Turkey, at natamo ang positibong progreso sa iba't ibang larangan. Aniya, ang Tsina at Turkey ay natural na mga partner sa Belt and Road Initiative (BRI), at dapat pasulungin ang pagsasagawa ng mga mahalagang proyekto. Inaasahan aniya ng Tsina na palalalimin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa ayon sa modelo ng "BRICS Plus".
Nagpahayag naman si Erdogan ng kasiyahan sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Turkey. Kumakatig aniya ang Turkey sa kooperasyon ng BRI, tunututulan ang proteksyonismo, at kumakatig sa malayang kalakalan. Nakahanda rin aniyang pahigpitin ng kanyang bansa ang koordinasyon nila ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig.
salin:Lele