|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Huwebes, Abril 19, 2018 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.
Inilahad ni Pangulong Xi na sa ilalim ng matatag na pag-unlad ng estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa, kailangan nilang panatilihin ang pagpapalitan sa mataas na antas, at palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, para maiangat at mapalawak pa ang bilateral na relasyon.
Sinabi naman ni Pangulong Erdogan na ang pag-unlad ng Tsina ay batong panulok ng katatagan ng daigdig. Hinangaan din aniya ng Turkey ang pagsisikap ng Tsina kaugnay ng mga isyung pandaigdig para mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan, at paggalang ng Tsina sa pagkakaiba-iba ng sibilisasyon.
Nakahanda aniya ang Turkey na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba't ibang lebel. Nakahanda rin ang Turkey na makilahok sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan, lalong lalo na sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, imprastruktura, at turismo.
Ipinahayag din ni Erdogan ang pagtutol sa mga puwersang teroristiko na gaya ng East Turkistan Islamic Movement.
Pinag-usapan din ng dalawang pangulo ang hinggil sa isyu ng Syria.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |