|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur, Malaysia—Martes, Hulyo 31, 2018, nag-usap ang mga ministrong panlabas na sina Wang Yi ng Tsina at Saifuddin Abdullah ng Malaysia.
Sinabi ni Wang na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang Malaysia, at may mahalagang estratehikong katuturan ang relasyon ng dalawang bansa. Patuloy aniyang igigiit ng Tsina ang patakarang pangkaibigan sa Malaysia, at palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sina Wang Yi (kaliwa) at Saifuddin Abdullah (kanan), mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Malaysia
Ipinahayag naman ni Saifuddin na aktibong kakatigan at lalahukan ng panig Malay ang pagtatatag ng Belt and Road. Winewelkam at inaasahan aniya ng kanyang bansa ang patuloy na pagpapatingkad ng Tsina ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at komong kaunlaran ng rehiyon.
Sa preskon pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Wang Yi na isa pang mahalagang layon ng kanyang pagdalaw sa Malaysia ay gumawa ng paghahanda para sa gagawing pagdalaw sa Tsina ni Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia. Aniya, si Mahathir ay kaibigan ng mga mamamayang Tsino. Nananalig siyang sa panahon ng gagawing pagdalaw sa Tsina, tiyak na itatatag ng mga lider ng Tsina at Malaysia ang mas matibay na pagtitiwalaan, at magkasamang babalakin ang bagong blueprint ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |