Kuala Lumpur, Malaysia—Pormal na itinayo dito Lunes, Abril 30, 2018 ang Sentro ng Paglalathala ng Belt and Road ng Tsina at Malaysia na magkasamang inilunsad ng Social Sciences Academic Press (China) at Han Culture Centre Malaysia.
Ang sentrong ito ay pinangangasiwaan at pinatatakbo ng Han Culture Centre Malaysia. Layon nitong mapasulong ang komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa mga larangang gaya ng kultura; literatura; pagsasalin at paglalathala; pagpapa-alam sa mga mamamayang Malaysian ng kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Tsina sa pamamagitan ng mga likhang literature, at pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Dumalo sa seremonya ng pagtatayo ng nasabing sentro si Bai Tian, Embahador ng Tsina sa Malaysia; Haji Abdul Adzis bin Abas, Direktor Heneral ng Malaysian Institute of Language and Literature; Hin San Goh, Tagapangulo ng Han Culture Centre Malaysia; at Li Yanling, Opisyal ng Social Sciences Academic Press (China).
Salin: Vera