|
||||||||
|
||
Binuksan sa Singapore Huwebes, Agosto 2, 2018, ang Ika-51 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na sa mula't mula pa'y sinusuportahan ng bukas at inklusibong rehiyonal na balangkas, ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng ASEAN. Dapat aniyang patuloy na palakasin ng iba't-ibang bansang ASEAN ang nasabing balangkas.
Aniya, dapat magkaisa ang mga bansang ASEAN, at dapat ding buong sikap na panatilihin ang pagkakaisa, upang ituloy ang pagpapatingkad ng papel ng ASEAN at magkaloob ng kapakanan sa mga kasaping bansa at katuwang nito.
Dagdag pa niya, ang multilateral na sistemang pangkalakalan ay palagiang sumusuporta sa paglaki at kasaganaan ng ASEAN. Ngunit, nahaharap aniya ngayon ito sa malaking presyur. Sinabi niya na para sa ASEAN, napakahalaga ng pagpapatuloy ng multilateral system, at pagpapalakas ng kooperasyon nila sa partners nito.
Ginaganap ang nasabing foreign ministers' conference at mga kaukulang pulong mula Hulyo 30 hanggang Agosto 4, 2018, sa Singapore.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |