|
||||||||
|
||
Binuksan Huwebes, Hulyo 26, ang Ika-11 China-ASEAN Education Cooperation Week, sa Guian New Area, lalawigang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Ang tema ng idinaraos na linggo ng kooperasyon ay "Bagong Simula ng Pagtutulungang Pang-edukasyon, at Bagong Kinabukasan ng Pagpapalitang Pantao."
Sa seremonya ng pagbubukas, magkakasamang pinasinayaan ng mga kalahok na panauhin ang Belt and Road Big Data Platform na Pangkooperasyong Pandaigdig, at ang Alyansang Pang-edukasyon na nasa magkasamang pagtataguyod ng Guizhou Minzu University at Alibaba Group Global E-commerce.
Mga batang galing sa Laos, Thailand, Vietnam at iba pang bansa na nagtanghal sa seremonya ng pagbubukas ng linggo ng kooperasyon.
Kalahok sa seremonya ng pagbubukas ang mahigit 1,000 dalubhasa, estudyante, opisyal at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor mula sa Tsina, mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga bansang Asyano.
Ang China-ASEAN Education Cooperation Week na itinatag noong 2008 ay nagsisilbi ngayong platapormang pangkultura at pantao na nagtatampok sa pagtutulungang pang-edukasyon. Nagpapasulong ito ng pagpapalitan ng mga tao at pagbabahagi ng yaman sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Ang Guian New Area ay permanenteng pinagdarausan ng linggo ng kooperasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |