Ipinahayag Hulyo 31, 2018 ni Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na magiging bansang tagapagkoordina ang Pilipinas ng Tsina at ASEAN, mula taong 2018 hanggang 2021. Aniya, magsisikap ang Pilipinas para pasulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Winika ito ni Cayetano bago ang pagbubukas ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN sa Singapore.
Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, bumubuti at sumusulong ang relasyong Sino-Pilipino. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang Tsina at ASEAN para pangalagaan ang komong interes ng dalawang panig.