Nakipagtagpo Agosto 1, 2018, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina kay Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore, bago idaos ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Silangang Asya sa Singapore.
Ipinahayag ni Wang na parami nang parami ang mga elementong walang kasiguruhan at walang katatagan, at dapat magkakasamang magsikap ang iba't-ibang panig para sa kapayapaan at patuloy na kaunlaran ng Silangang Asya.
Pinasalamatan ni Balakrishnan ang pagkatig ng Tsina sa mga gawain ng Singapore bilang tagapagkoordinang bansa ng relasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina. Aniya, umaahon sa kasalukuyan ang unilateralismo at proteksyonismo sa daigdig, kaya, dapat maliwanag na tutulan ang nasabing mga tunguhin at katigan ang mutilateralismo, pasulungin ang malayang kalakalan at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at pangalagaan ang kaayusang pandaigdig batay sa mga tuntunin.
salin:Lele