Idinaos Hulyo 29, 2018 ang Ika-6 na National Assembly Election ng Kambodya.
Isinapubliko Hulyo 30 ng Lupong Elektoral ng bansa na 77.5% na boto ang natamo ng Cambodia People's Party (CPP) na pinamumunuan ni Punong Ministrong Hun Sen.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Sok Eysan, Tagapagsalita ng CPP na ang resulta ng halalan ay nagpapakita ng tiwala ng mga mamamayang Kambodyano sa CPP.
Ayon sa ulat, lumahok ang 20 partidong pampulitika ng Kambodya sa kasalukuyang halalan, para sa 125 luklukan ng national assembly. Isasapubliko ang pinal na resulta ng halalan, sa ika-15 ng Agosto.