|
||||||||
|
||
Miyerkules, Hulyo 18, 2018, itinaguyod sa Beijing ng Pasuguan ng Kambodya sa Tsina ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya. Dumalo at nagtalumpati sa resesyon sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Khek Sisoda, Embahador ng Kambodya sa Tsina.
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, habang bumibigkas ng talumpati sa resepsyon.
Ipinahayag ni Wang na nitong nakalipas na 60 taon, kahit napakalaking pagbabago ang naganap sa kalagayang pandaigdig, nananatiling matatag at matibay ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, tiyak na mananatiling masigla ang kanilang pagkakaibigan.
Si Khek Sisoda, Embahador ng Kambodya sa Tsina, habang bumibigkas ng talumpati sa resepsyon.
Pinasalamatan ni Sisoda ang ibinigay na suporta at tulong ng pamahalaang Tsino para sa pag-unlad ng kanyang bansa. Umaasa aniya siyang matatamo ng kooperasyon ng Tsina't Kambodya sa balangkas ng Belt and Road Initiative ang mas maraming progreso.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |