ANG 'di malutas-lutas na problema sa right-of-way ang dahilan kaya't 'di pa magkadugtong ang North Luzon Expressway sa South Luzon Expressway. Ayon sa Metro Pacific Investments Corporation na nagkakontrata sa P 23 bilyong connector road noong Setyembre ng 2016 ay 'di pa nakapagsisimula dahil sa right-of-way problems.
Ayon sa pangulo ng Metro Pacific Tollways Corporation na si Francisco Franco, namimili na at nagbabayad na ang pamahalaan ng right-of-way. Nagkataon lang na 'di nila masusunod ang original na schedule. Kakalahati pa ang nababayaran ng pamahalaan sa right-of-way.
Umaasa ang MPTC na matatapos na ang pamimili sa pagtatapos ng taon upang maging masigasig na ang pagtatrabaho sa unang tatlong buwan ng 2019.