SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatitiyak ang business community ng proteksyon mula sa pamahalaan para sa mga mangangangalakal at sa kanilang investments at nangakong magiging patas ang lahat para sa negosyo.
TINIYAK ANG PAGIGING PATAS SA DAIGDIG NG KALAKAL. Ito ang bud ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-30 taong anibersaryo ng Toyota Motor Philippines kagabi. Na sa larawan sina Pangulong Duterte (pang-apat mula sa kaliwa), ang kanyang mga cabinet official at mga pinuno ng Toyota Motor Corporation at Toyota Motor Philippines. (Malacanang Photo)
Sa kanyang talumpati sa ika-30 anibersaryo ng Toyota Motor Philippines kagabi sa Grand Hyatt Hotel sa Tagujig City, sinabi ni G. Duterte na magaganap ang lahat ng ito kung mananatiling sumusunod sa batas ang mga bahay kalakal at titiyaking babantayan ang kalagayan ng mga mamamayan.
Nangunguna umano ang Toyota Motor Philippines sa paggawa ng mga may-uring sasakyan at isang sandigan ng ekonomiya lalo't higit ang pagkakaroon ng may 55,000 mga kawani sa buong bansa.