|
||||||||
|
||
Kaugnay ng muling pagpapataw ng Amerika ng sangsyon laban sa Iran, ipinahayag Lunes ng gabi, Agosto 6, 2018, ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na dapat itigil ng Amerika ang banta nito. Aniya, kung talagang nais makipagtalastasan ang Amerika sa Iran, dapat ipakita ang katapatan nito.
Sinabi rin niya na magkakaisa ang mga mamamayan ng Iran upang mabigo ang mga isinasagawang sangsyon ng Amerika sa kanyang bansa. Noong pa man, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap, hindi payuyukurin ng Amerika ang Iran sa pamamagitan ng nasabing presyur.
Ipinatalastas Lunes ng White House na mula ngayong araw, Agosto 7, pasisimulan muli ang mga sangsyon sa mga larangang industriyal at pinansya, mineral, at sasakyang de motor. Bukod dito, pasisimulan muli sa darating na Nobyembre ang sangsyon sa Iran sa industriya ng enerhiya, kalakalan ng langis, kalakalan ng bangko sentral, at iba pang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |