Ayon sa patalastas bilang 7 para taong 2018 na ipinalabas ngayong gabi ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na simula alas 12:01, Agosto 23, 25% ang idaragdag na taripa sa mga produktong inaangkat mula sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng mga 16 bilyong dolyares, bilang tugon sa kapasiyahan ng Amerika na magpataw ng taripa sa mga produktong Tsino nang araw ring iyon.
Ayon din sa patalastas, batay sa kuru-kuro mula sa mga may kinalamang departamento, samahang industriyal, at bahay-kalakal, upang maprotektahan, sa abot ng makakaya, ang interes ng mga bahay-kalakal at mamimiling Tsino, isinaayos ng Konseho ng Estado ang listahan ng mga produktong Amerikano na papatawan ng taripa na nasasaad sa patalastas bilang 5 para sa taong 2018, at inilabas ang nasabing pinakahuling listahan.