Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya, lumago ng 6.0 percent sa ikalawang kwarter ng 2018

(GMT+08:00) 2018-08-10 16:51:51       CRI

LUMAGO ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang kwarter ng taong 2018 ng 6.0%. Ito umano ang "real growth rate," ani Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa isang press briefing kanina. Ang nobimal GDP growth ay umabot sa 9.6 percent.

Kahit umano kanilang ang Pilipinas sa mauunlad na ekonomiya sa Asia, kasunod ng Vietnam na mayroong 6.8 growth at Tsina na nagkaroon ng 6.7 percent growth, naunahan naman ang bansang Indonesia na nagkaroon ng 5.3% growth. Bagaman, sinabi ni Secretary Pernia, ang nakamtan ng bansa ay mas mababa sa kanilang inaasahan.

Kailangang makamtan ng Pilipinas ang 7.7 percent na kaunlaran sa ikalawang bahagi ng taong 2018 upang nakamit ang inaasahang 7.0 hanggang 8.0 percent sa buong taon ng 2018. Binanggit ni Secretary Pernia na ang pagbagal ng ekonomiya ay dahil na rin sa ilang mga desisyong Ginawa ng pamahalaan na inaasahan naming magbubunga ng mabuti sa matagalang panahon.

Ang mga desisyong ito ay kinabibilangan ng pansamantalang pagpapasara ng Boracay mula Abril hanggang Oktubre ng 2018 at ang pagbagal kan exports sa unang tatlong buwan ng 2018.

Apektado rin ang ekonomiya dahil sa pagpapasara ng ilang minahan at excise tax sa non-metallic at metallic minerals. Walang buhay umano ang mining at quarrying sector sa pagbaba nito ng 10.9 percent.

Ang mahigpit na pagpapatupad ng alituntunin sa aquaculture producers sa Laguna Lake ang nagpabagsak sa freshwater fish catch, dagdag pa ng kalihim.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>