Simula Setyembre 1, 2018, ang mga mamamayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan ay maaari nang mag-apply ng residence permit sa mainland ng Tsina, para makapagtamasa ng mga mas mabuting serbisyo.
Ito ang ipinahayag ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina sa isang preskon ngayong araw. Ang permit card na maaaring awtomatikong basahin sa mga electronic terminal device sa mga estasyon ng daambakal, paliparan, at bangko ay magpapaginhawa sa pag-aaral, pagtatrabaho at pamumuhay ng nasabing mga residente sa mainland.
Boluntaryo ang aplikasyon. Ang mga aplikante ay kailangang mamuhay sa mainland nang mahigit anim na buwan at may matatag na trabaho at panirahan. Matatamo nila ang permiso 20 work day makaraang mag-apply.
Salin: Jade
Pulido: Rhio