Ipinagdiinan ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinding hindi mapagsasanggunian ang prinsipyong isang Tsina. Ang prinsipyong ito aniya ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano.
Nauna rito, nagpalabas ang Pasuguan ng Amerika sa Tsina ng pahayag hinggil sa pagtanggi ng Tsina sa kahilingan ng mga airline na Amerikano. Hinimok ng Tsina ang mga airline na Amerikano na palitan ng "Taiwan, Tsina" ang "Taiwan" sa kanilang paglilista. Hiniling ng mga airline na Amerikano na makipag-usap sa Tsina hinggil dito.
Inulit ni Lu na iisa lamang ang Tsina at ang Taiwan ay di-hiwalay na bahagi ng Tsina. Ipinagdiinan din niyang katotohanang obdyektibo ito at kinikilala ito ng komunidad ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac