BEIJING, Aug. 16—Idinaos ang pulong ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pinanguluhan ni pangulong Xi Jinping at dininig din niya, kasama ng mga miyembro ng politburo ang ulat hinggil sa imbestigasyon sa depektibong bakuna.
Nauna rito, pinahalagahan ni Xi ang kaso ng ilegal na paggawa ng mga bakuna ng Changchun Changsheng Life Sciences Limited (Changchun Changsheng) na inilarawan niya bilang "karumal-dumal at nakakapanghihilakbot." Hiniling niyang patawan ng mabigat na parusa ang mga may pananagutan.
Binigyan-diin ni Xi sa pulong na dapat matuto sa karanasan mula sa kasong ito, at patuloy na pagbutihin ang mekanismo ng pagsusuri at mga may kinalamang regulasyon at batas.
Inilahad din sa pulong ang ipapataw na parusa sa mga may pananagutan.
salin:Lele