Kaugnay ng kaso ng ilegal na pagpoprodyus ng mga bakuna ng Changchun Changsheng Life Sciences Limited, sumusulong ang imbestigasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina. Nauna rito, pinigil ng pamahalaang Tsino ang lahat ng mga bakuna na may kinalaman sa kasong ito, at itinigil ang produksyon ng bakuna ng nasabing kompanya.
Samantala, ini-o-organisa ng State Drug Administration ng Tsina ang pagsusuri sa buong production chain ng lahat ng mga bahay-kalakal na nagpoprodyus ng bakuna sa buong bansa, para maigarantiya ang kalusugan ng mga mamamayan.
Kaugnay nito, Miyerkules, Hulyo 25, 2018, inilabas ng World Health Organization (WHO) ang pahayag bilang lubos na pagkatig at papuri sa mabilis at maliwanag na aksyon ng kaukulang departamento ng pamahalaang Tsino. Anang pahayag, walang duda, isang malungkot na insidente ang kasong ito, pero natuklasan ito sa proseso ng di-inanunsyong inspeksyon, bagay na nagpapakitang maaaring mabisang pangalagaan ng pagsusuperbisa't pagsusuri ng mga kaukulang organo ang kalusugan ng mga mamamayan.
Dagdag pa ng pahayag, hinihintay ng WHO ang resulta ng imbestigasyon, at handang-handa ito para magkaloob ng pagkatig sa departamento ng pangangasiwa sa kalusugan ng Tsina sa anumang sandali.
Salin: Vera