Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sarado pa ang NAIA Runway 06/24

(GMT+08:00) 2018-08-17 18:20:27       CRI

NANANATILING sarado pa ang Runway 06/24 at baka sakaling mabuksan ganap na ikapito ng gabi ngayon.

Ayon sa Civil Aeronautics Authority of the Philippines, isang Xiamen Airlines flight MF8667 Boeing 737 ang lumapag sa NAIA bago sumapit ang hatinggabi kagabi at nakarating sa madamong pook ng runway.

Tumugon ang mga pamatay-sunog at safety personnel at nailikas ang may 157 pasahero at walong tripulante. Dinala sila sa Terminal 1. Nagtungo kaagad sina MIAA General Manager Ed Monreal, CAAP Director Capt. Jim Sydiongco at Accident Investigation Inquiry Board chief Mr. Rainer Baculinao.

Nailikas ang mga pasahero sa pamamagitan ng emergency chutes. Binigyan sila ng mga kumot at pagkain ng Xiamen Airways at dinala sa malapit na hotel upang may matuluyan.

Unang nagtangka ang pilotong 'di pinangalanan subalit hindi itinuloy sa lakas ng ulan. Sa ikalawang pagkakataon, dumulas ang eroplano sanhi ng malakas na buos ng ulan.

Naglabas kaagad ang CAAP ng Notice to Airmen na nagsasabing saradong pangsamantala ang paliparan hanggang ika-12 ng tanghali.

Sa pangyayaring ito, may 49 na biyahe ng eroplano sa loob at labas ng bansa ang nakansela at may 10 diverted flights. May dalawang biyahe ng Cathay Pacific ang naayos ang schedule. Walang sinumang nasugatan sa sakuna sa matagumpay na paglilikas ng mga pasahero at mga tauhan ng Xiamen Airways.

Pitong biyahe ang pinalapag sa Clark at maging sa Cebu International airports.

Hiniling ng CAAP ang unawa ng mga maglalakbay samantalang ginagawa na ang lahat upang maalis ang eroplano sa pook ng sakuna.

Samantala, sa pinakahuling balita, mananatiling sarado ang paliparan hanggang ikapito ng gabi. Sa ikatlong Notice to Airmen, problemado ang mga kawani ng paliparan sa pag-aalis ng eroplano sapagkat malambot ang tabi ng runway dahil sa malakas na ulan kagabi.

Magagamit ng mas maliliit na eroplano tulad ng A320 ang domestic runway 13/31 sa kanilang paglapag at paglipad.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>