Ipinatalastas Agosto 16, 2018 ng Konseho ng Estado ng Tsina, na magkakabisa ang bagong patakaran sa sistema ng residence permit ng mga taga-Hong Kong, Macao at Taiwan sa mainland ng Tsina, mula unang araw ng Setyembre ng taong ito.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng tagapagsalita ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao, na ito ay magdudulot ng ginhawa sa mga kababayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan, kaygnay ng kanilang pag-aaral, pagtatrabaho, pagnenegosyo at pamumuhay sa mainland ng Tsina.