|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand—Nilagdaan Miyerkules, Mayo 9, 2018 ng Phuket, kilalang baybaying-lunsod ng Thailand, at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) ng Tsina, ang Memorandum of Understanding (MoU). Batay sa MoU, itatatag ang dalawang siyudad bilang sister cities at pasusulungin ang kooperasyon sa kalakalan, turismo at iba pa.
Sina Chui (ikalawa sa kaliwa) at Don (ikalawa sa kanan) habang tumatayong-saksi sa seremonya ng paglagda (Xinhua/Rachen Sageamsak)
Tumayong saksi sa seremonya ng paglagda sina Chui Sai On, Chief Executive ng MacaoSAR at Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand.
Nagsasagawa si Chui ng tatlong-araw na biyahe sa Thailand.
Sa magkasanib na preskon, sinabi ni Chui na ang Thailand ay mahalagang partner ng Macao sa Timog-silangang Asya sa pagtatatag ng Tsina ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Inilunsad aniya ng Macao ang Belt and Road Scholarship at winiwelkam niya ang mga estudyanteng Thai na mag-aral sa Macao.
Ipinahayag naman ni Don ang pag-asang mas maraming puhunan mula sa Macao ang maibubuhos sa Eastern Economic Corridor ng bansa.
Sina Chui kaliwa) at Don (kanan) habang humaharap sa media (Xinhua/Rachen Sageamsak)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |