Sinabi Martes, Agosto 21, 2018 ng National Disaster Management Agency ng Indonesia, na ang ilang beses na lindol na naganap kamakailan sa Lombok, Lalawigang West Nusa Tenggara ng bansa, ay ikinamatay na ng 515 katao, at ikinasugat ng 7,145 iba pa.
Ayon sa twitter account ni Sutopo Purwo Nugroho, Tagapagsalita ng nasabing ahensya, hanggang Martes ng gabi, 431,000 tao ang sapilitang inilikas sa kanilang tahanan, 73,800 bahay at 798 gusaling pampubliko ang nasira. Ayon sa inisyal na pagtasa, umabot na sa 7.7 trilyong Indonesian Rupiah ang kapinsalaang pangkabuhayan na dulot ng mga pagyanig.
Salin: Vera