Binuksan ngayong araw ang Kauna-unahang Smart China Expo (SCE) sa Chongqing, munisipalidad sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tampok sa tatlong-araw na ekspo na may temang "Smart Technology: Empowering Economy, Enriching Life," ay ang mga natamong bunga sa aplikasyon ng smart technology na gaya ng smart medical care, smart home, smart entertainment, at iba pa.
Sa kanyang mesaheng pambati, inulit ng pangulong Tsino ang pagpapahalaga ng bansa sa pagpapasulong ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na pahigpitin ang pakikipagtulungang pandaigdig sa inobasyong nagtatampok sa digitalization para mapasulong ang komong kaunlaran at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio