Huwebes, Agosto 23, 2018, sinimulang ipataw ng Amerika ang 25% karagdagang taripa sa mga inaangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 16 bilyong dolyares. Kaugnay nito, inilabas nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pahayag na nagsasabing ang aksyon ng Amerika sa pagpapataw ng karagdagang taripa ay posibleng labag sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO). Buong tatag aniyang tinututulan ito ng panig Tsino, at sapilitang patuloy na gumagawa ng kinakailangang ganting hakbangin. Samantala, upang mapangalagaan ang malayang kalakalan, multilateral na sistema at sariling lehitimong karapata't kapakanan, isusumite ng panig Tsino ang sakdal tungkol dito sa ilalim ng mekanismo ng paglutas sa alitan ng WTO, dagdag pa ng nasabing tagapagsalita.
Salin: Vera