|
||||||||
|
||
Mula nitong Lunes, Agosto 20, 2018, idinaraos ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang 6 na workday na hayagang pagdinig tungkol sa plano sa pagpapataw ng taripa ng kanilang pamahalaan sa mga inaangkat na panindang Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares.
Para sa mga bahay-kalakal na Amerikano, may 2 paraan lamang upang maiwasan ang negatibong resulta ng taripa: paghahanap ng eksepsyon o paghikayat sa pamahalaan na itakwil ang pagpapataw ng karagdagang taripa, at resolbahin ang alitang pangkalakalan sa pamamagitan ng talastasan. Pero napakahirap ng landas ng paghahanap ng eksepsyon. Kung taripa sa bakal at asero ang ipaghahalimbawa, mula noong Mayo ng taong ito, isinumite ng mga bahay-kalakal na Amerikano ang mahigit 20,000 aplikasyon sa eksepsyon ng taripa, pero hanggang ngayon, wala pang inaaprubahang aplikasyon ang Kagawaran ng Komersyo ng Amerika.
Kaugnay ng kasalukuyang pagdinig, sinabi ng pahayagang "Wall Street Journal" na unibersal na hiniling ng mga kalahok sa pagdinig ang pagkakaroon ng eksepsyon ng taripa. Binigyang-diin nila ang kahirapan sa paghahanap ng supplier liban sa Tsina.
Ang mga manggagawa sa puwerto ng Nantong, Lalawigang Jiangsu ng Tsina, ay nag-a-unload ng soybeans na inangkat mula sa Brazil. (File photo: VCG)
Ayon naman sa ulat ng Reuters, kabilang sa mahigit 1,400 nakasulat na komento na tinanggap ng USTR, ipinalalagay ng karamihan ng mga kompanya na magbubunga ng kapinsalaan ang taripa.
Lunes, inilabas ng National Association of Business Economics (NABE) ng Amerika ang isang economic policy survey sa 251 ekonomista. Ipinalalagay ng 91% ng mga respondent na ang umiiral na taripa at ipapataw na taripa sa hinaharap ay magbubunsod ng di-paborableng epekto sa kabuhayang Amerikano.
Ayon sa inilabas na timetable, ipapataw Huwebes, Agosto 23, ng Amerika ang 25% karagdagang taripa sa mga inaangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 16 bilyong dolyares. Sapilitang magkasabay na isasagawa ng panig Tsino ang ganting hakbangin. Samantala, inanyayahan ng panig Amerikano ang delegasyong Tsino para idaos ang unang pagsasanggunian sapul nang ilunsad ang trade war. Saan kaya dadako ang kalagayan ng alitang pangkalakalan ng kapuwa panig?
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |