Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anu-ano ang mga ganting hakbangin ng Rusya sa bagong round ng sangsyon ng Amerika?

(GMT+08:00) 2018-08-23 17:04:31       CRI

Miyerkules, Agosto 22, 2018, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na "salungat sa mithiin at walang katuturang aksyon" ang bagong round ng sangsyon ng Amerika laban sa Rusya. Nanawagan siyang mapagtatanto ng pamahalaang Amerikano na tiyak na mabibigo ang naturang patakaran, at ibabalik sa normal na kooperasyon ang relasyong Ruso-Amerikano.

 

Noong Agosto 21, sinimulan ng Amerika ang bagong round ng sangsyon sa Rusya. Ang mga pinatawan ng sangsyon ay kinabibilangan ng mga entidad, indibiduwal at bapor na konektado sa Rusya. Ipapa-freeze ang kanilang ari-arian sa loob ng Amerika, at hindi pahihintulutan ang transaksyon nila sa mga mamamayang Amerikano.

Tinatayang kahit hindi matindi ang kasalukuyang sangsyong inilabas ng panig Amerikano, posibleng maging simula ito ng bagong round ng malawakang sangsyon laban sa Rusya.

Ipinalalagay ng mga ekonomista na ang tagal at pagpapatuloy ng sangsyon ng Amerika at Europa laban sa Rusya ay isa sa mga pinakamalaking kahirapan sa kabuhayan ng Rusya. Sa aspekto ng kabuhayan, kahit pansamantalang walang kakayahan ang Rusya na direktang harapin ang komprontasyon sa Amerika, ayon sa pahayag ni Putin at isang serye ng mga kilos ng panig Ruso kamakailan, gumagawa ng paghahanda ang Rusya para sa mga ganting hakbangin.

Una, sa diplomatikong antas, kusang-loob na pinapalakas ng Rusya ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Iran, Turkey, maging sa mga tradisyonal na kaalyansa ng Amerika na gaya ng Europa.

Ika-2, isinasagawa ng Rusya ang mga hakbanging gaya ng pagbabawas ng pagmamay-ari ng mga ari-ariang dolyares, at pagsasagawa ng settlement in local currency sa kalakalang pandaigdig, bagay na nakakabawas, sa takdang digri, sa epekto ng plaktuwasyon ng exchange rate ng Russian Ruble sa kabuhayan ng bansa, at pagkadepende nito sa dolyares.

At ika-3, hinahanap ng Rusya ang pagtatatag ng "malaking partnership sa pagitan ng Europa at Asya" na bubuo sa Eurasian Economic Union, India, Tsina, iba't ibang bansa ng Commonwealth of Independent States (CIS), at iba pang bansa. Ito ang itinuturing na isa sa mga palatandaan ng paglipat ng pokus ng diplomatikong patakaran at estratehiya ng Rusya sa silangan.

Nagpahayag minsan sa publiko si Putin na winewelkam niya ang pagsapi ng Unyong Europeo (EU) sa plano ng "malaking partnership sa pagitan ng Europa at Asya." Sa ilalim ng kalagayang kinakaharap ng relasyong Ruso-Amerikano sa isang serye ng di-malutas na kontradiksyong pang-estruktura, kung bibigyang-daan ng nasabing plano ang pagpapabuti ng relasyon ng Rusya at Europa, posibleng magsilbi itong pangmatalagang hakbangin ng Rusya laban sa sangsyon ng Amerika.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>