|
||||||||
|
||
Sa isang artikulong inilabas Sabado, Agosto 18, 2018 ng "Rodong Simun" ng Hilagang Korea, nanawagan ito kay US President Donald Trump na huwag sanang maapektuhan ng puwersang oposisyon sa loob ng Amerika ang relasyon sa Hilagang Korea, dapat sirain ang kasalukuyang deadlock sa relasyon ng dalawang bansa at pabutihin ang relasyon ng Hilagang Korea at Amerika.
Anang artikulo, ang negatibong epektong dulot ng political struggle sa loob ng Amerika ay pundamental na dahilan ng pagkasadlak sa deadlock ng relasyon ng dalawang bansa.
Noong Hunyo 12, 2018, nagtagpo sa Singapore ang mga lider ng Hilagang Korea at Amerika, at nagpalabas sila ng magkasanib na pahayag kung saan nagpahayag silang magsisikap upang maitatag ang bagong relasyon at itatag ang pangmatagalan at matatag na mekanismong pangkapayapaan sa Korean Peninsula. Dito, ipinangako ni Trump na magkakaloob ng garantiyang panseguridad sa Hilagang Korea, at inulit naman ni Kim Jong-un, Pinakamataas na Lider ng Hilagang Korea, ang kanyang pangakong isasakatuparan ang ganap na walang-nuklear na Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |