IPINALIWANAG naman ni Dr. Teodoro Herbosa, executive vice president ng University of the Philippines at dating Undersecretary of Health na sa pagkakaroon ng katiwalian sa pamahalaan, lalo na sa health sector, may mga batang maysakit ang 'di nagagamot at mayroong mga nakatatanda na hindi makapagpasuri sa mga espesyalista dahil sa kawalan ng gamot at kagamitan.
MAHIHIRAP ANG NAGPAPASAN NG KATIWALIAN. Ito ang pahayag ni Dr. Ted Herbosa, dating Health Undersecretary at ngayo'y executive Vice President ng University of the Philippines. Ani Dr. Herbosa, ang kakulangan ng gamot at gamit sa ospital ang karaniwang karanasan ng mga mamamayan. Nagaganap ito dahil sa katliwalian. (Melo M. Acuna)
Ikinalulungkot din niya ang karanasan ng mga manggagamot na nagrereklamo na dahil 'di matapos-tapos ang kanilang mga pagamutan tulad ng nagaganap sa Bicol Medical Center, ayon sa pahayag ng PACC ay kanilang sinisiyasat.
Ikinalungkot din ni Dr. Herbosa na kung mananatili ang katiwalian ay tiyak na mababawasan ang pondo para sa social, health at maging sa education departments. Sa pagkakaroon umano ng free tertiary education program ng pamahalaan, mas maraming mga kabataan ang nagnanais pumasok sa kolehiyo subalit kung mababawasan ang budget, tiyak na mahihirapan ang mga paaralan sa pamahalaang tanggapin ang mga nagnanais pumasok sa kolehiyo, dagdag pa ni Dr. Herbosa.