Ipinahayag Martes, Agosto 28, 2018, ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro at Tagapangulo ng National Peace and Order Maintaining Committee (NPOMC), na walang intensyon ang kanyang pamahalaan na ipagpaliban ang pambansang halalan, at balak nitong aalisin ang limitasyon sa mga aktibidad ng mga partido pagkaraang aprobahan ng hari ang kaukulang batas sa halalan sa malapit na hinaharap.
Nagpulong nang araw ring iyon ang NPOMC para talakayin ang mga gawain ng pambansang halalan at pag-aalis sa ilang pulitikal na limitasyon sa konstitusyon. Ipinahayag ni Prayuth na pagkaraang aprobahan ng hari ang "batas sa paghalal ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan" at "batas sa paghalal ng mga mambabatas sa mababang kapulungan," pahihintulutan ang pagsasagawa ng mga partido ng mga aktibidad na gaya ng pagpupulong, pagsususog sa mga regulasyon ng partido, personnel decision, pagtanggap ng mga bagong miyembro at iba pa.
Dagdag pa niya, ayon sa proposal ng Lupong Elektoral ng Thailand, inisyal na nakatakdang idaos ang pambansang halalan sa Pebrero 24, 2019.
Salin: Vera