Binuksan Agosto 29, 2018 sa Singapore ang Ika-50 Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Si Lee Hsien Loong
Ipinahayag ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ang pag-asang magsisikap ang mga bansa ng ASEAN para ibayong pahigpitin ang rehiyonal na pagtutulungang pangkabuhayan at integrasyon ng ASEAN. Aniya, mananatiling 5.4% ang karaniwang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN sa susunod na ilang taon, at ito rin ang magiging pang-apat na pinakamalaking ekonomiya ng daigdig sa taong 2030. Haharapin din aniya ng ASEAN ang mga hamong dulot ng trade protectionism at iba pa.