Idinaos kahapon, Lunes, ika-6 ng Agosto 2018, sa Beijing ng ASEAN-China Center (ACC) ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at panunungkulan sa tungkulin ng bagong Pangkalahatang Kalihim ng ACC.
Si Chen Dehai, beteranong diplomata na nagtrabaho minsan sa embahada o konsulada ng Tsina sa ilang bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas, Thailand, Malaysia, at Biyetnam, ang nagiging bagong Pangkalahatang Kalihim ng ACC.
Sa kanyang talumpating pang-inagurasyon, sinabi ni Chen, na malaking karangalan at mahalaga ring tungkulin ang pagiging Pangkalahatang Kalihim ng ACC. Binigyan din niya ng mataas na pagtasa ang mga natamong bunga ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at ASEAN nitong 15 taong nakalipas, at umaasa aniya siyang magkakaroon ang relasyong Sino-ASEAN ng bagong lakas para sa mas malalim na pag-unlad sa hinaharap.
Sa ngalan ng mga diplomata ng iba't ibang bansang ASEAN, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, ang pagbati kay Chen. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang mga bansang ASEAN at Tsina, para ibayo pang pabutihin ang pamumuhay ng kani-kanilang mga mamamayan, at buuin ang mas matibay na bigkis ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai