
Idinaos kahapon, Huwebes, ika-9 ng Agosto 2018, sa Bangkok, Thailand, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Economy Summit, kung saan pinag-aralan ang kasalukuyang kalagayan ng digital economy sa ASEAN at pag-unlad nito sa hinaharap.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Pichet Durongkaveroj, Minister of Digital Economy and Society ng Thailand, na ang digital economy ay paborable sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, at lubos na pinahahalagahan ng mga bansang ASEAN at Tsina ang digital technology. Ipinahayag din niya ang pagtanggap sa mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa, na kinabibilangan ng Tsina, sa paglahok sa pagpapabuti ng Internet system at pagpapaunlad ng digital economy ng Thailand.
Ang naturang summit ay idinaos sa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng Institute of ASEAN Digital Economy Innovation, Chinese Academy of Sciences Innovation Cooperation Center (Bangkok), at mga iba pang organisasyon.
Salin: Liu Kai