|
||||||||
|
||
POSIBLENG maharap sa reklamo sa Inernational Criminal Court si Health Secretary Francisco Duque sa pagkasawi ng mga kabataang nasaksakan ng Dengvaxia vaccine.
Ito ang sinabi ni Dr. Erqin Erfe, chief ng Forensics Division ng Public Attorney's Office sapagkat may isang grupo ng mga manggagamot at mga abogado na kumikilos upang matanggal ang lisensya sa pagkamanggagamot ng kalihim sa Professional Regulation Commission.
Kakasuhan umano ang kalihim ng kalusugan sa International Criminal Court sa pagpapabaya sa Dengvaxia issue at pagdami ng mga namamatay sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia. Ito ang kanyang sinabi sa isang press conference sa Maynila kanina.
Hindi binanggit ni Dr. Erfe ang mga magrereklamo at ang detalyes ng reklamona inihahanda laban sa Kalihim ng Kalusugan na nahirang na muli sa posisyon isang buwan bago inamin ng gumawa ng bakuna ang panganib sa mga nabakunahan na hindi nagkaroon ng dengue.
Sinabi naman ni Secretary Duque na hindi niya papansinin at kikilalanin ang mga binabalak nina Dr. Erfe at ng kanyang grupo sapagkat walang sandigan o basehan ang magiging reklamo. Layunin lamang umanong mawala ang kanyang pansin sa kanyang mga ginagawa, ang pag-iingat sa kalusugan ng mga mamamayan.
Abala umano siya sa pakikiusap sa Senado na ipasa ang kanilang supplemental budget na P 1.6 bilyon upang matulungan ang mga nabakunahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |