HINDI nakapasa sa Commission on Appointments si Agrarian Reform Secretary-Designate John Rualo Castriciones matapos magtanong ang mga mambabatas tungkol sa kanyang karanasan at kakayahan.
Sinabi ni Senador Grace Poe na "bypassed" ang appointee. Sa ikalawang pagkakataon, tinanong siya sa kanyang karanasan sa larangan ng repormang agraryo. Ang isa sa mga nagtanong ay si Senador Risa Hontiveros.
Ipinagtanong din ni Senador JV Ejercito kung ano ang kanyang kinalaman sa pagpapatalsik sa dating Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno. Tumanggi naman si Castriciones na may kinalaman siya sa naganap na pagkakasibak.
Sa naunang pagdinig, sinabi ni Akbayan Representative Tomas Villarin na walang sapat na pagsasanay si G. Castriciones sa larangan ng repormang agraryo.