Nakipagtagpo Biyernes, Agosto 31, 2018, sa Great Hall of the People si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Mohamed Abdullahi Mohamed, dumadalaw na Pangulo ng Somalia.
Ipinahayag ni Xi na dapat palakasin ng kapuwa panig ang kooperasyon nila sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng Belt and Road Initiative, Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), at China-Arab States Cooperation Forum.
Pinasalamatan naman ng pangulo ng Somalia ang ibinigay na tulong ng panig Tsino sa loob ng mahabang panahon. Aniya, buong tatag na iginigiit ng Somalia ang patakarang isang Tsina, at aktibong sumasali sa kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road. Nakahanda aniya ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, na likhain ang community with a shared future ng Tsina at Aprika, sa ilalim ng balangkas ng FOCAC.
Pagkatapos ng pagtatagpo, nilagdaan ang mga bilateral na dokumentong pangkooperasyon hinggil sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road at iba pa.
Salin: Vera