Beijing--Sa kanyang talumpati sa talakayan tungkol sa ika-5 anibersaryo ng pagsisimula ng konstruksyon ng "Belt and Road," binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na ang magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road" ay angkop sa kahilingang panloob ng reporma sa pandaigdigang sistema ng pagsasaayos. Ipinakikita rin aniya nito ang kamalayan ng komunidad ng komong kapalarang magkakasamang nagsisikap at nagsasabalikat ng karapatan at responsibilidad.
Ani Xi, dapat igiit ng iba't-ibang bansa ang diyalogo at pagsasanggunian, magkakasamang pagtatayo at pagtatamasa, at pagpapalitan at pagtutulungan upang mapalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, koneksyon ng kabuhayan ng iba't-ibang bansa. Layon nitong makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," at mapasulong ang pagtatayo ng komunidad ng komong kapalaran ng buong sangkatauhan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng