Biyernes, Agosto 31, 2018, nag-usap sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Roch Marc Christian Kabore ng Burkina Faso.
Ipinahayag ni Xi na ito ang kauna-unahang pagsali ng Burkina Faso sa pagtitipun-tipon ng kooperasyong Sino-Aprikano, at mahalagang mahalaga ito para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon at relasyong Sino-Aprikano. Aniya, nitong nakalipas na 3 buwan sapul nang panumbalikin ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Burkina Faso, masiglang masigla ang natamong progreso ng pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Sinang-ayunan ng mga lider ng dalawang bansa na pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at buksan ang bagong kabanata ng kanilang mapagkaibigang kooperasyon.
Salin: Vera