Sa pag-uusap Linggo ng gabi, Setyembre 2, 2018, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, buong pagkakaisa nilang sinang-ayunang pasulungin ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong yugto.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na ang katuturan at nilalaman ng relasyong Sino-Timog Aprikano ay may pandaigdig at estratehikong impluwensiya. Dapat aniyang magsikap ang dalawang panig upang mapasulong pa ang relasyong Sino-Aprikano, mainam na mapangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at mapasulong ang pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa ang kahandaan ng kanyang bansa na pag-aralan ang mga mabuting karanasan ng Tsina sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng partido, at pangangasiwa sa mga bahay-kalakal. Aktibong aniyang nakikilahok ang Timog Aprika sa inisyatibo ng "Belt and Road."
Salin: Li Feng