|
||||||||
|
||
Angola — Kaugnay ng pagbibigay ng pondo ng Tsina sa mga bansang Aprikano, binanggit kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ang tatlong may-kaugnayang pundamental na prinsipyo. Pinabulaanan din niya ang balitang umano'y "ang pagbibigay ng pondo ng Tsina ay pagdaragdag ng utang ng mga bansang Aprikano."
Ipinahayag ni Wang na ang nasabing pananalita ay ganap na di-totoo. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagpapalawak at pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Aprikano, talaga aniyang pinalakas ng Tsina ang pagkatig sa mga bansang Aprikano sa aspekto ng pagbibigay ng pondo. Ngunit, sa prosesong ito, palagian aniyang sinusundan ng Tsina ang ilang pundamental na prinsipyo: una, tinutugunan ang pangangailangan ng sariling pag-unlad ng Aprika; ikalawa, hindi kailanma'y binibigyan ng anumang kondisyong pulitikal ang pagbibigay-tulong; ikatlo, iginigiit ng Tsina ang prinsipyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win.
Ipinagdiinan ni Wang na ang kasalukuyang mabigat na utang ng ilang bansang Aprikano ay resulta ng akumulasyon sa mahabang panahon. Para malutas ang problemang ito, dapat igiit ang pagtahak sa landas ng sustenableng pag-unlad, at buong tatag itong kinakatigan ng panig Tsino, ani Wang.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |