Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakalikha ang Tsina at Aprika ng isang landas na pangkooperasyong may espesyal na katangian. Aniya, sa pakikipagkooperasyon ng Tsina sa Aprika, iginigiit ng Tsina na hindi ito nanghihimasok sa paghahanap ng mga bansang Aprikano ng landas ng pag-unlad na angkop sa kanilang kalagayang pang-estado, hindi rin ito nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Aprika, hindi puwersahang nagpapataw ng sariling hangarin sa Aprika, hindi humihingi ng anumang kondisyong pulitikal sa pagbibigay-tulong sa Aprika, at hindi naghahanap ng anumang pribadong kapakanang pulitikal sa pamumuhunan sa Aprika.
Salin: Li Feng