Nananalig ang Tsina na ang kapayapaan at kaunlaran ay nananatiling tema ng panahon. Ito rin ang misyon ng panahon.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na upang maisakatuparan ang nasabing misyon, walang humpay na nagsisikap ang Tsina para makapagbigay ng mas malaking ambag para sa sangkatauhan. Para rito, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang Belt and Road Initiative, kasama ng iba't ibang bansa.
Inulit din ng pangulong Tsino ang pananangan ng bansa sa pagbubukas sa labas at pagtutol sa proteksyonismo at unilateralismo.
Salin: Jade
Pulido: Mac