Lunes, Setyembre 3, 2018, sa seremonya ng pagbubukas ng High-level Dialogue Between Chinese and African Leaders and Business Representatives at Ika-6 na Conference of Chinese and African Entrepreneurs, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang "Magkasamang Pagtahak sa Landas ng Kasaganaan."
Binigyang-diin niyang kinakatigan ng Tsina ang pagsali ng mga bansang Aprikano sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at nakahandang palakasin ang komprehensibong sinerhiya sa Aprika, para itayo ang isang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sarili nilang bansa, at may pagbibigayan, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Vera