Lunes ng umaga, Setyembre 3, 2018, nakipag-usap sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Ethiopian counterpart na si Abiy Ahmed Ali.
Ipinahayag ni Li na ang Ethiopia ay mahalagang bansa sa Aprika, at mahalagang cooperative partner din ng Tsina sa Aprika. Aniya, malalimang umuunlad ang komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at kumakatig sa isa't isa ang kapuwa panig sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala nila. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon sa Ethiopia, at nakahandang magsikap, kasama ng panig Ethiopian, para mapasulong ang mapagkaibigang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa bagong antas.
Sinabi naman ni Ahmed na sa ilalim ng pagkatig ng Tsina, walang humpay na umuunlad ang Ethiopia at kontinenteng Aprikano. Nagpapatingkad aniya ang mga bahay-kalakal na Tsino ng pahalaga nang pahalagang papel sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Ethiopia.
Salin: Vera