Sapul nang idaos ang 2015 Johannesburg Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), buong-sikap na ipinatupad ng Tsina ang sampung planong pangkooperasyon na itinakda sa nasabing summit. Hanggang ngayon, natupad ng Tsina ang lahat ng ipinangakong 60 bilyong U.S. dollar na suportang pondo. Bunga nito, naitatag o itinatag ang mga daambakal, lansangan, at sonang pangkalakalan at pangkabuhayan. Kasabay nito, lumalalim din ang pagtutulungang Sino-Aprikano sa larangan ng edukasyon, hay-tek, kultura, kalusugan, pagpapahupa ng karalitaan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ito ang ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Salin: Jade
Pulido: Mac