Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Europeo, napakahalaga para sa pag-alis ng kahirapan ng EU

(GMT+08:00) 2018-09-05 17:10:17       CRI

Sa kasalukuyang tunggalian ng nagkakaibang kaisipan at puwersa sa buong daigdig, kinakaharap ng Europa ang malalaking problema. Bilang isa sa mga pinuno ng Unyong Europeo (EU), madalas na kumikilos si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa arenang diplomatiko. Lalong lalo na, sa kanyang talumpati sa pulong ng mga diplomatang Pranses sa ibang bansa na ginanap noong katapusan ng nagdaang Agosto, itinaguyod ni Macron ang multilateralismo na nagpapakitang kasalukuyang nagpupunyagi ang Pransya upang pamunuan ang EU sa pag-aalis ng kasalukuyang kahirapan.

Ipinahayag niya na sa kasalukuyang nahaharap ang pandaigdigang multilateralismo at pag-unlad ng EU sa "walang-katulad na krisis." Buong lakas aniyang nagsasagawa ang pamahalaan ni Donald Trump ng unilateralismo.

Bukod dito, sa mga isyung gaya ng kasunduang nuklear ng Iran, at pagbabago ng klima, nahahadlangan din ng Amerika ang mga mahalagang bunga at plano ng Europa sa mga pandaigdigang aktibidad. Higit sa lahat, ibinaba ni Trump ang halaga ng integrasyon ng Europa, at hindi niya binibigyan ng anumang atensyon ang pagkabahala ng Europa. Dahil dito, sinabi ng mga lider ng Europa na hindi matatawag na "estratehikong partner" ang Europa para sa Amerika.

Sa nasabing pulong, komprehensibong binatikos ni Macron ang kilos ng unilateralismo ni Trump. Ngunit ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kanyang diyalogo kay Trump.

Sa aspekto ng pagsasaayos sa buong daigdig, ipinalalagay niya na ang "Belt and Road" Initiative ng Tsina ay may bentaheng nakakapagtatag sa ilang rehiyon at pandaigdigang pananaw. Sa prinsipyong "Paghahanap ng Pagkabalanse, Pangangalaga sa Sariling Kapakanan at Konseptong Pandagdig," isasagawa aniya ng Pransya ang "konstruktibo at may-kompiyansa" na diyalogo sa Tsina.

Upang mapawi ang kasalukuyang mahirap na kalagayan, ang pagpapasulong ng multilateralismo ay nagsisilbing pangunahing bahagi sa mga aksyong diplomatiko ng Pransya at Europa. Kasalukuyang pinalalakas ng Tsina at Europa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pangangalaga sa pandaigdigang sistemang multilateral at makatwirang regulasyon upang makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapasulong ng mabuting pag-unlad ng relasyong pandaigdig. Para rito, dapat palakasin ng Tsina at Europa ang kanilang pagtitiwalaan at pag-uunawaan, at dapat din nilang isagawa ang mas maraming magkatugmang aksyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>