Miyerkules, Setyembre 5, 2018, nakipagtagpo sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Saad Eddine Othmani, dumadalaw na Punong Ministro ng Morocco.
Sinabi ni Xi na ang Morocco ay itinuturing na mahalagang cooperative partner ng Tsina sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road. Dapat palakasin aniya ng kapuwa panig ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig, at pangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa at mga umuunlad na bansa.
Ipinalalagay naman ni Othmani na ang Tsina ay mahalaga't positibong puwersa sa arenang pandaigdig. Bumati siya sa matagumpay na pagtataguyod ng panig Tsino ng katatapos na Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), at napakahalaga aniya ng katuturan nito para sa kinabukasan ng Aprika. Kinakatigan ng Morocco ang iba't ibang hakbanging pangkooperasyon ng Tsina at Aprika na iniharap ng panig Tsino, at nakahandang magsibling malakas na partner ng kooperasyon ng Belt and Road, dagdag pa niya.
Salin: Vera